Pagtingin ng Mabuting Pastol

IKAAPAT NA LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

First Reading: Acts 4: 8-12
Responsorial Psalm: Ps 117, 1 at 8-9. 21-23. 26
Second Reading: 1 John 3, 1-2
Gospel: John 10, 11-18

Theme: Nagmamasid, Nag-aalay, Nakikita

Ang Mabuting Pastol ay ang imahen ng Ama na tuloy tuloy tayong tinatawag para makatanggap ng buhay na kasiya-siya. Ipinabatid ni Hesus na Siya ay makita sa gitna ng ating kahinaan, sa gitna ng problema. 

Ang tunay na Pastol ay nagmamasid sa kaniyang mga tupa nang sa gayon malaman niya ang anumang bagay na maaring makasira sa ating buhay. Katangi-tangi ang pagbabantay ni Hesus dahil hinahayaan Niya minsan na mangyari ang masasama ng sa gayon matututo tayong bumangon sa ating pagkahimlay. Ang tunay na Pastol ay nag-aalay ng kaniyang sarili. Alang-alng sa kaniyang mga anak, minabuti Niya na maligtas at mabigyan ng buhay na walang hanggan ang kaniyang anak. Kaya naman, sa pagkabuhay ni Hesus, tayo ay muling bumabangon mula sa kasalanan para siya ay makita. 

Dulot ng kaniyang walang hanggang pagmamahal, binalita Niya na siya ay muling mabubuhay upang Siya ay makita ng kaniyang mga tupa na ating tinatanggap sa Banal na Eukaristiya. 

Popular Posts