God’s Life Within

    IKALIMANG LINGGO NG KWARESMA


First Reading: Ez 37:12-14
Responsorial Psalm: Ps 13:1-2, 3-4, 5-6, 7-8
Second Reading: Rom 8:8-11
Gospel: Jn 11:1-45
Theme: Pagdurusa, Pakikiramay, Pagkabuhay

Sa nalalapit na Mahal na araw, hinahanda ng Simbahan ang ating puso’t disposisyon para pagnilayan ang Misteryong Paskwal- ang pagtawid muli sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Kaya naman, ang ating mga pagbasa ngayon ay nagpapaalala ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa atin bilang Kanyang mga anak at nagpapaalala rin ito ng tema ng muling pagkabuhay. Samakatuwid, ating pagnilayan ang mga tema na ating matutuhan sa ating Ebanghelyo.

Una ay ang pagdurusa na naranasan nila Maria at Marta ng Betania. Ang ating ebanghelyo ay tumatalakay sa muling pagkabuhay ni Lazaro sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Hesus na nagbibigay buhay. Sa matinding paghahapis ng mga kapatid ni Lazaro ating masasalamin dito ang katotohanan na ang sukdulang dahilan ng bawat pagdurusa ng tao ay kasalanan. Kaya naman, ang pagliligtas ni Hesus sa Krus ay ang solusyon kalakip ang pagpapatawad ng kasalanan at ang pagtaas ng antas ng mga tao sa buhay na walang hanggan kasama ang Diyos. Ito ay tunay na naranasan ni Lazaro noong binuhay siya muli ni Hesus. Samakatuwid, tayo ay pinapaalalahanan na alam ng Diyos ang hinaing natin kailangan lang nating manalig at sumampalataya sa Kanya.

Ikalawa ay ang pakikiramay at pagkadama ng hapis at lungkot ni Hesus sa Kanyang mga kaibigan. Ngayong panahon ng Kwaresma, tayo’y pinapaalalahanan ng walang hanggang pagibig ng Diyos sa bawat isa sa atin. Bilang Anak ng Diyos, nanatili Siya kung nasaan Siyapinaraan pa niya ang dalawang araw matapos mabalitaang may sakit si Lazaro” ginawa ito ni Hesus nang sa gayon walang duda na si Lazarus ay talagang patay na. At dahil dito, Siya ay nakibahagi sa ating mga paghihirap sa pagkamatay ng mga mahal natin sa buhay. Dito natin makikita ang pagtatagpo ng pananalig ng tao at ang walang hanggang pagmamahal at kapanghariyan ng Diyos na kahit kamatayan ay walang kapantay. Sa muling pagkabuhay ni Lazaro, pinapahayag dito ang kakulangan ng isang tao sa mundo: buhay na kaganapan kay Kristo.

Ikatlo ay ang pagkabuhay ni Lazaro. Noong si Hesus ay pumaroon na sa Betania, nakasama Niya sina Marta, Maria at ang ilang Judio. Ang presensya nila ay sumisimbulo ng kanilang pagsasaksi kay Hesus na nagbibigay buhay. Kaya naman, noong kanyang papagalingin na si Lazaro Kanyang sinabi sa kanila “Alisin ninyo ang bato.” Ito ay nagpapaalala na ngayong tayo’s sumasampalataya at nakilalakbay kasama Niya, ating alisin at isantabi ang mga bato na nagpapatigas ng ating puso, bato na naghahadlang sa atin para bukas natin at paglingkuran ang Diyos. Sa kamatayang tinanggap Niya sa krus, inilahad ni Hesus ang pinakadakilang pag-ibig— ang pagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.

Samakatuwid, ang maging saksi ni Hesus ay maging saksi sa kanyang muling pagkabuhay. Ang mga pakikipagtagpo sa kanya ay katangian ng Kristiyanong pag-asa ng muling pagkabuhay. Tayo ay babangon katulad ni Kristo, kasama Niya, at sa pamamagitan Niya. 

Popular Posts