Holy Thursday Evening Mass of the Lord’s Supper

"Love one another"

Reading 1, Exodus 12:1-8, 11-14
Responsorial Psalm, Psalms 116:12-13, 15-16, 17-18
Gospel, John 13:1-15
Reading 2, First Corinthians 11:23-26

Themes for Reflection
- Humility
- Availability
- Empowerment

Takeaways from Cardinal Advincula's Homily
Pag Aalay ng sarili Niyang katawan at pagbuhos ng Kanyang dugo alang-alang sa kaligtasan ng marami
Humility- Pagpapakumbaba- Marumi ang mga paa noon maaaring may infection,, nakakadiri ang paggawa nito, ang mga gumagawa noon ay ang mga napilitan lamang-alipin. Gayon na lamang ang pagkakababa ng ni Hesus. Bagamat Siya ang anak ng Diyos, niyakap Niya ang anyo ng isang alipin, ang pagmamahal Niya sa atin ay buhos, ubos at lubos. Kahit ang dumi at sugat natin ay nasalat atnahipo ng mga banal na kamay Niya at ginawa Niya ito hindi dahil napipilitan lang siya tulad ng isang alipin kundi dahil mahal na mahal Niya tayo. Sa ating pagmamahal nagpapakumbaba rin ba tayo? Handa ba tayong mariramay?
Availability- kahandaang maglingkod- wala sa timing ang maghugas sa gitna sa huling hapunan marahil nais ituro ni Hesus na handa tayong magmahal at maglingkod sa lahat ng lugar at oras kahit sa hindi natin naaasan na pagkakataan. Love knows no schedule, and love doesn't choose a venue. Ang pag-ibig ay hindi pumipiling ng oras o lugar ang taong nagmamahal ay laging availabg para magmahal, laging handang maglingkod kahit pa gumulo ang shedule nya o masira ang plano o kulangin ang resources nyo. Handa niya isakripisyo ang lahat para sa pagmamahal. Hahanap ng paraan. Halimbawa ng mga Magulang- handang magmahal
Empowerment- pagbabahagi ng paglilingkod- maghugasan kayo ng paa sa isa’t isa nagpakita si Hesus ng halimbawa at ibinahagi niya ang biyaya ng paglilingkod, maraming mga lider sa mundo na angkinin ang biyaya ng paglilingkod. Hindi Niya tayo iniwan na walang alam at walang dangal, hindi Niya tayo alipin kundi tinuri Niyang Mga kaibigan ang mga kapatid Niya at isa’t-isa kaya ang bilin sa ati- maghugasan tayo ng paa sa isa’t isa. Inudyukan ba natin ang ating kapwa upang sila ay magmahal at maglingkod? Naglilingkod ba tayo sa paraan na ipagdarangal sila at nagbibigay ng kakayahan?
Mahal na mahal tayo ni Hesus 


Popular Posts